Selfie-sh

"People don't meet organically anymore"

Narinig ko yan sa movie na, He's Just Not Into You. Tama nga naman. Everyone is now a Facebook page. Ang pagkatao pwede mo na makita sa Twitter. At syempre, andyan ang wordless thoughts sa Instagram.

Sobrang uso ngayon ng selfies. Self picture dito, self picture doon. Sa banyo, sa kotse, topless, naka duck face, what have you. Ayos naman nung una. But, wait! Di pa nakontento. Dahil may video capability na din ang Instagram, kelangan may selfie video din.

Is it just me, or OA na? Are people becoming too self-obsessed? Are we really spending precious time with this nonsense? I am quite sure that there are more important things people can and have to do to be a productive person. I don't think that we can be THAT bored. Everyday.

Is vanity now a trend? Or are people just putting on a mask to pretend that their life is as fun as they show? Or are they showing the ugly truth about themselves?

Because I'd rather be invisible.


Solo Traveling with No BS

Since I'm in the mood for firsts, Imma tell my first solo travel story.


3 years ago, nung nagbreak kami ni Tyler, sobrang nabaliw ata ako. Yung tipong wala ng sense mabuhay. Parang ang OA balikan ngayon pero ganun talaga. Para saken bawat tao may nakalaan na magdudulot talaga ng psycho craziness. Masalimuot talaga ang hiwalayaan na yun. But that's a story for another day.

Hindi ko na alam ang gagawin ko nun, hanggang sinabi sakin nung isang kabarkada ko, "Ano ba ang gusto mo gawin sa buhay mo? Yung ikaw lang, yung hindi nakadepende sa ibang tao?".

Isa lang ang sagot ko, at wala pang 1 second, nasabi ko agad, "Mag-travel". 

Kaya ayun nagka-push ako at nagka-lakas ng loob to take the plunge. Magsosolo-travel ako! Soul searching chorva.. Di ko alam kung baket pero takot ako magisa dito sa Pilipinas. Siguro kasi mas malaya ka sa ibang bansa. You can be anyone you want to be, or be who you really are. At dahil dyan, Kota Kinabalu here I come! Imma take one country at a time!

Soundtrack

I'm supposed to write an article for another blog that I am co-authoring, but I just can't start! Sa sobrang katamaran (or wala lang talaga kong input ngayon), ginanahan ako magsulat nalang at magstart ng own page! Or siguro kaka-yosi, soundtrip, isip, iba ang mga pumapasok sa utak ko. And it goes a little something like this:

Sabi nila, bawat kanta iba - iba ang ibig-sabihin, ang kahulugan sa bawa't tao. Sa lyrics ng mga kanta tayo nalulungkot, nagpapartey, pero mostly talaga, nag-e-emo. Normal lang sa tao ang i-relate ang sarili nila sa mga kanta. (O baka ako lang at mga kaibigan ko?) Kaya siguro lagi nating maririnig, "Uy kanta mo to!". Kasi yung kwento sa kanta ang syang o naging kwento na natin.

Ganyan din ako.

Pero mas madalas, bawa't kanta ay nagiging soundtrack ko para sa mga tao sa buhay ko. Naranasan mo na ba yun? May narinig kang kanta tapos deads na sa lyrics, kasi ang mararamdaman mo nakadepende sa memories behind that song. At shempre sa kasama mo nung mga panahon na yun. Ang napakasayang tugss tuggss na kanta, nakakalungkot na kasi di na mababalik yung mga nangyari, yung pinagsamahan. At minsan din, yung sobra naman sa senti na kanta, nakakatawa nalang pakinggan.